Lumaktaw sa pangunahing content

Kanto Boy (Part 2)

BABALA: Dumadami po ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa at sa katunayan tumaas ito ng 300% (per DOH) sa nakalipas na dalawang taon. Pinapayo kong maging maingat sa pakikipagtalik sa mga hindi mo lubusang kilala; o kung magagawa naman maghanap na lang ng taong kilala mo na makakatalik ng regular at huwag nang makipagtalik sa iba. Huwag na pong magtangkang gayahin pa ang mga nasa kuwento sa blog na ito upang hindi mapahamak. Sa ngayon po, may dalawang bakla na regular na chumuchupa sa akin at alam kong malinis sila. Panatag din naman sila sa akin dahil sa hindi na ako nagpapachupa sa iba maliban sa kanila.

Kinabukasan ng Linggo, nakagisnan ko ang pagyugyog sa akin ni Tay Pedro.

"Marco, bangon na dyan," paggising nya sa akin. Nakatulog din ako kahit papano. "Almusal tayo, anak."

Bumangon ako sa kama at nag-unat ng katawan. Napansin kong nakangisi si Tay Pedro at nakatingin sa may beywang ko. Wala nga pala akong brief, at karaniwan na sa ating mga lalake, utog na utog ang titi ko. Tumukod ito sa harapan ng pinahiram na shorts ni Tay Pedro, at nagmistulang may tent sa harapan ko.

"Ihi po muna ako," takip ko sa harapan ko sabay takbo papuntang banyo.

Paglabas ko ng banyo ay nabungaran ko sa kusina si Tay Pedro na nakaupo na at sa mesa ay nakahain ang almusal. Sinangag na kanin, itlog, daing, at hotdog ang nakahain.

"Ang dami naman ata nito, Tay?," pagtataka ko. "Alam kong sabik ako sa pagkaing ganito, pero sobra naman ata ito."

"Sabi ko na nga ba sasabihin mo yan," natatawang sabi ni Tay Pedro. "Ipagpaumanhin mo na at medyo nag-overreact nga ata ako."

Masaya kaming nag-almusal at pagkatapos nun ay ginupitan nya ako ng buhok at inahitan na din ng tumubong balahibong-pusang bigote at balbas. Natigilan sya matapos akong pagmasdan pagkagupit nya.

"Ang gwapo mo pala kapag maayos," sabi ni Tay Pedro. "Kailangan mo na lang malamnan ng konti para bumata ka pang tingnan."

Pinakita ko sa kanya ang ilang pictures na naitago ko. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang kunan ang ibang picture doon, pero parang ilang taon na ang tinanda ko. Malaki kasi ang pinayat ko.

"Mamayang hapon, pwede ka ba'ng sumama sa akin?", tanong ni Tay Pedro.

"Saan po?"

"Sa salon na pinagtatrabahuhan ko," sagot nya naman. "Bukas kami lahit Linggo, kaya't kahit day off ko ay kailangan ko pa ring bisitahin at katiwala lang ng amo ko ang nagmamanage doon kapag wala ako."

"Okay po," madaling sagot ko; "kaso po baka hindi pa tuyo ang mga damit ko mamaya?"

"Kahit man lang yung mga brief mo ang matuyo; pahiramin na lang kita ulit ng damit ko. Meron ako dyang mga hindi na kasya sa akin."

Naisip ko na baka ididisplay lang ako nito sa mga tauhan nyang bakla sa salon. Hindi rin pala iba si Tay Pedro sa ibang bakla na nakilala ko at pinagsasahan ang katawan ko noon. Inisip ko na lang na at least kahit papano ay may bahay akong masisilungan; at kung sakali pa ay may bonus pang tsansa na matuloy ang hilig ko sa pagpapachupa.

Tinulungan ko si Tay Pedro na maglinis ng bahay. Hindi naman madumi ang bahay, pero nakagawian nya na daw na maglinis tuwing Linggo at yun lang ang oras nya. Habang naglilinis ay tinuloy nya ang pagkwento tungkol sa buhay nya.

Dati syang make-up artist ng mga artista, at kalauna'y nagkaroon na sya ng sariling beauty salon. Dahil daw sa sikat sya sa mga kliyente nyang artista ay yumaman sya. Ngunit nalulong si Tay Pedro sa droga at panlalalake. Unti-unting nalugi ang negosyo nya at naibenta ang mga ari--ariang naipundar. Naubos daw ang lahat nang pinaghirapan nya at nauwi sya sa pagiging beautician sa isang pipitsuging parlor.

Hanggang isang araw ay may pumunta sa parlor na pinagtatrabahuhan nya- ang kanyang kasalukuyang amo. Ka-kompitensya nya pala dati sa negosyo ang kanyang amo, at nang mabalitaan nito ang nangyaring pagkalugmok nya ay hinanap sya nito. Hindi akalain ni Tay Pedro na ang kanyang ka-kompitensya pa ang sasagip sa kanya; dahil sa talent nya sa pagmi-make-up at paggugupit ng buhok ay ginawa sya nitong manager sa isang branch ng kilalang salon nito.

"Mapalad tayong nakaranas maging walang-wala," sabi ni Tay Pedro, "dahil sa tayo lang ang talagang makaka-appreciate ng kahit na simpleng pamumuhay."

"Hindi ko maikukumpara ang naging buhay ko sa'yo," sagot ko kay Tay Pedro; "dahil kahit papano ay may napatunayan ka sa isang punto ng buhay mo, at ako naman ay wala pa."

"Gawin mo'ng inspirasyon ang naging buhay mo sa lansangan para makapagpunyagi na mamuhay ng marangal." Pangaral nya. "Hindi mo kailangang maging mayaman o may sinabi sa buhay para mapatunayang kaya mong itaguyod ang sarili mo."

"Ako yata ang pinapatamaan mo nyan, 'Tay, a?"

"Mismo," natatawang sagot nya. "Bakit kasi sa simpleng rason lang naglayas ka sa inyo?"

"Ewan ko po?", napag-isip ako sa mga sinabi nya, "siguro dala na rin ng kapusukan ng kabataan ko?"

"Marahil nga," pagsasang-ayon nya naman.

Matapos kaming maglinis ay nagluto naman si Tay Pedro ng tanghalian. Habang ako naman ay naligo na. Tuyo na ang mga briefs ko kaya kumuha ako ng isa sa sampayan. Pagkapaligo ay yun lang muna ang sinuot ko at nakatapis ng tuwalya. Nalaman kong malaki nga ang pinayat ko dahil sa lumuwag ng konti ang brief ko; pero hindi naman gaano dahil sa fit na fit ito sa akin noon.

"Tay, pahiram muna ako ng damit," sabi ko kay Tay Pedro.

"Mamaya na at nagluluto pa ako", sagot nito. "Pwede ka namang naka-brief lang dito sa loob ng bahay. Nood ka muna ng TV."

Pumasok ako sa kuwarto at hinanger ang tuwalya, saka lumabas sa sala ng naka-brief lang. Napatingin sa akin si Tay Pedro paglabas ko at napangiti. Nakita ko sa whole body na salamin sa sala na kahit papaano ay nakakatakam pa rin naman ang katawan ko; lalo na sa suot kong maiksing bikini brief na may madulas na tela. Binuksan ko na ang TV at pasalampak na naupo sa sofa. Dahil siguro sa hindi na ako sanay nang nakabrief lang ay naghumindig ang titi ko sa loob ng brief. Lalo na kapag sumasagi sa isip ko na kapag nalibugan si Tay Pedro sa akin ay baka chupain nya ako. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapag-pachupa.

Natapos ang niluluto ni Tay Pedro at naghain na din sya tuloy. Hindi nya na ako nakuha ng mahihiram na damit kaya kumain kaming nakabrief pa rin ako.

"Aaminin ko sayong natutukso ako dyan sa katawan mo," sabi ni Tay Pedro. "Pero pinipigilan ko ang sarili ko at gusto kong ituring kitang anak ko."

"E, kasi hindi mo pa ako pinapahiram ng damit," nahihiyang sabi ko.

"Para may challenge," sabi ni Tay Pedro, "kung okay lang sayo, magbrief ka na lang kapag nandito sa bahay."

"A, sige po," sagot ko sa kanya. "Komportable naman ang nakabrief lang."

"Bilhan kita ng konting damit pagkagaling natin sa salon. Kahit yung mga pambahay lang."

"Naku, huwag na po at nakakahiya naman."

"Hindi naman pwedeng nakabrief ka lang kahit sa labas ng bahay," sagot ni Tay Pedro. "Papano kung may bibilhin ka sa tindahan, o kaya may bisita ako?"

"Bigay nyo na lang po ang pinaglumaan nyo sa akin."

"Oo naman. Pero kailangan pa rin nating bumili ng talagang para sa'yo."

Matapos kaming kumain ay naligo na si Tay Pedro, habang ako naman ay naghugas ng pinagkainan namin at pinaglutuan nya kanina. Hindi pa nagtagal ay pumunta na kami ng salon na pinagtatrabahuhan nya. As usual, karamihan sa mga tauhan nya doon ay puro bakla. Merong tatlong babae, kasali na yung sinasabi nyang kahalili nya sa pagma-manage tuwing Linggo, na kamag-anak pala nung may-ari. Merong dalawang lalakeng kabataan na parang tagalinis o boy. Malaki nga talaga ang beauty salon, at halatang mga mayayaman ang mga parokyano.

Binibiro si Tay Pedro ng mga kasamahan nya tungkol sa akin. Mama Gretchen pala ang tawag sa kanya sa trabaho. Kung tutuusin kasi, may hitsura si Tay Pedro- mestisuhin at me katangkaran. Kaya pala kailangan pa rin nyang nagbisita kahit off nya ay para pirmahan yung imbentaryo ng mga gamit. Hindi nya sinabi kung saan nya ako napulot, ang pakilala nya sa akin sa mga katrabaho nya ay kamag-anak nya ako.

Matapos doon ay nagsimba kami at tumuloy na sa isang mall. Binilhan nya ako ng tatlong t-shirt, dalawang shorts, isang pantalon, isang pares ng tsinelas, at sapatos. Hindi ako magkamayaw sa pasasalamat kay Tay Pedro. Ilang libo din ang nagastos nya sa mga gamit ko. May ipon naman daw syang konti sa bangko. Naabutan na kami ng gabi sa mall, at sa isang fastfood chain branch na lang kami naghapunan bago umuwi. Nakakatuwang isipin na sa lahat ng oras na nilagi namin sa mall ay astang lalake si Tay Pedro, na para bang pinamimili at pinapasyan nya lang ang anak nya.

Sobrang napagod kami pareho pagdating sa bahay. Agad-agad ay napahiga kami sa kama. Para akong batang tuwang-tuwa sa pagpasyal namin. Si Tay Pedro man ay tuwang-tuwa din sa mga pangyayari.

"Tay, pahiram naman ako ng mga pambahay na damit," sabi ko habang naghuhubad.

"Magbrief ka na lang," sagot ni Tay Pedro. "Maganda naman yang brief mo, e."

"Sige po," pagsang-ayon ko naman. "Kayo po, hindi ba kayo magpapalit?"

"Hintayin mo ako sa sala at manood tayo ng pelikula sa VHS."

Naupo sya sa tabi ko sa sofa at nanood na nga kami ng pelikula. Isang lumang horror movie ang pinanood namin, na sya palang paborito nyang genre. Minsan habang nakaakbay sya sa akin ay hinalikan nya ako sa leeg.

"Ang bango naman ng anak ko," natatawang sabi nya. "At ang tigas lagi ng totoy." Sinunggaban nya ang harap ng brief ko. Napansin nya pala na tigas na tigas ang titi ko. Inalis nya din kaagad ang kamay nya.

"Hindi naman kasi ako sanay na nakabrief lagi. Lalo na kapag may ibang tao."

"Alam kong malilibog kayong mga lalake," natawa si Tay Pedro, "pero anak talaga ang turing ko sa'yo, kaya hindi ko yan titikman. Kung gusto mo mamaya bago matulog paraos  ka sa banyo; mahirap na baka habang natutulog tayo tusukin na lang ako nyan."

Tawanan kaming dalawa habang hinahabol yung mga bida sa pelikula ng werewolf na kalaban nila.

Naging maayos naman ang samahan namin ni Tay Pedro. Naiiwan ako sa bahay kapag umagang nasa trabaho sya. Ako naman ang naglilinis at nag-aasikaso sa kanya pagkadating nya sa bahay. Ilang linggo pa ang lumipas ay nabilhan nya na ako ng sapat na damit para hindi na ako laging nakabrief lang sa bahay. Bumalik na din ang pangangatawan ko.

Paminsan-minsan ay umiinom sila ng mga katrabaho nyang mga bakla sa bahay, binibiro nila si Tay Pedro na kung ayaw nya daw akong tikman ay sila na lang ang titikim sa akin. Tinatawanan lang namin ang mga tukso nila at namuhay kaming parang mag-ama talaga. Hanggang sa isang pangyayaring hindi ko naiwasan.


Mga sikat na post sa blog na ito

Tirador

BABALA: Dumadami po ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa at sa katunayan tumaas ito ng 300% (per DOH) sa nakalipas na dalawang taon. Pinapayo kong maging maingat sa pakikipagtalik sa mga hindi mo lubusang kilala; o kung magagawa naman maghanap na lang ng taong kilala mo na makakatalik ng regular at huwag nang makipagtalik sa iba. Huwag na pong magtangkang gayahin pa ang mga nasa kuwento sa blog na ito upang hindi mapahamak. Sa ngayon po, may dalawang bakla na regular na chumuchupa sa akin at alam kong malinis sila. Panatag din naman sila sa akin dahil sa hindi na ako nagpapachupa sa iba maliban sa kanila. Isa sa mga naging trabaho ko noon ay mag-manage ng isang bar sa bayan namin sa Bicol. Malaki ang bar ay may iba-ibang parte gaya ng videoke, live band bar, at yung may nagdi-dj. Pag-aari yun ng pamilya ng kaklase ko nung high school. Operations Manager ako doon. Kasama sa trabaho ko ang pakikihalubilo sa mga customer namin. Dahil sa nag-iisa lang ang bar namin na may multiple venues, malak...

UNPUBLISHED DRAFT: Biyaheng Deepthroat 2

Kinuha ko yung malong ko sa backpack at tinaklob sa ulo ni Edson. Bumaba ang ulo niya sa kandungan ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mainit na mga labi sa ulo ng titi ko. Hindi niya muna sinubo ang titi ko; pinaliguan niya muna ito ng laway niya sa pamamagitan ng pagdila ng kahabaan nito pati na ang bayag ko. Biglang bumukas ang mga ilaw ng bus at nagmenor ang takbo. 'Yun pala ay nakarating na kami sa Quezon at maghahapunan ang driver at kunduktor. "Sir," sabi ng kunduktor, "hindi po ba kayo bababa para kumain?" "A, hindi na po," sagot ko naman. "Me baon po kasi kami, at saka tulog po itong kasama ko." "Sir, hindi ninyo naman po siya kasama kanina," balik nung kunduktor, "magkaiba po kayo ng upuan. Okay pang po kung anuman ang ginagawa ninyo, pero sana huwag naman pong magkalat at huwag maeskandalo ang mga ibang pasahero." "Opo kuya," biglang tanggal ni Edson ng malong kong nakatalukbong sa kanya. "K...

UNPUBLISHED DRAFT: Biyaheng Deepthroat 1

Hello po. Sorry at matagal kong napabayaan itong blog ni Marco. May inasikaso lang po akong personal. Pero, me good news po ako- pumayag na yung panganay na anak ni Marco na ipublish ulit yung mga lumang kuwento, at siya namang gagawin ko sa mga susunod na araw. Actually lagpas isang buwan na itong desisyon nila, pero hindi ko lang talaga naasikaso kasi nga busy din ako sa mga personal na bagay-bagay. Itutuloy ko na din po ang pagpublish ng mga drafts ni Marco, at ang isa pang good news ay nabuksan namin ang original na Facebook account ni Marco at nakita naming marami din pala siyan g drafts dun na naka-personal ang privacy. Dahil sa hindi ako makapagtrabaho sa panay na hilong nararamdaman ko, napagpasyahan namin ni misis na umuwi muna ako ng Bicol para bisitahin naman ang bahay ng parents ko at makapag-pahinga na rin. Hindi ko sila makakasama kasi me pasok pa ang mga bata. Gusto sana ni misis na mag-eroplano ako pauwi, kaso hindi ko talaga gusto ang lumipad at nabibitin ako sa biyahe...