BABALA: Dumadami po ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa at sa katunayan tumaas ito ng 300% (per DOH) sa nakalipas na dalawang taon. Pinapayo kong maging maingat sa pakikipagtalik sa mga hindi mo lubusang kilala; o kung magagawa naman maghanap na lang ng taong kilala mo na makakatalik ng regular at huwag nang makipagtalik sa iba. Huwag na pong magtangkang gayahin pa ang mga nasa kuwento sa blog na ito upang hindi mapahamak. Sa ngayon po, may dalawang bakla na regular na chumuchupa sa akin at alam kong malinis sila. Panatag din naman sila sa akin dahil sa hindi na ako nagpapachupa sa iba maliban sa kanila.
I never wanted to start writing this story until I got approval from the person involved. Malaki ang respeto at pagpapasalamat ko sa kanya, kaya kahit hindi ko gagamitin ang tunay na pangalan nya, gusto ko pa ring may basbas itong kwento mula sa kanya.
Sa kantong yun, malapit sa crossing ng EDSA at Aurora ako nagpapalipas ng gabi. Malamig ang semento; kasing lamig ng katotohanang nag-iisa lang ako at walang kumakalinga. "Hindi na ako bata," sabi ko noon nung umalis ako sa amin; ngunit sa takbo ng buhay dito sa Maynila, malaking bagay ang pagkakaroon ng sapat na karanasan. Kahit pa sabihing madali akong matuto ng kung anumang dapat kong gawin para mabuhay, yung experience pa rin at kredibilidad ang hinahanap.
Halos dalawang buwan na akong palaboy-laboy. Napatalsik ako sa inuupahan kong kwarto sa may Cubao dahil sa hindi ako makabayad. Simula nung umalis ako sa hardware store na pinapasukan ko noon sa kwentong "Bintana", nahirapan akong makakuha ulit ng trabaho. Unang gabi ko na walang kamang matutulugan ay dito rin sa kantong ito ako natulog. Sa bangketa. Nagising na lang ako nang biglang may humablot sa isang bag ko. Nandun halos lahat nang damit ko at mahahalagang gamit- ang gintong singsing na may simbolo ng pamilya namin, ang kwentas na bigay ng Mama ko, at ang konting perang tinabi ko- pamasahe sana pauwi sa Bicol kung sakaling hindi ko na talaga kaya dito. Wala na akong nagawa dahil sa tinadyakan ako sa ulo nung isa sa mga kumuha ng gamit ko.
Ilang araw akong naglakad sa Kamaynilaan, nagmamakaawa na makapasok sa trabaho. Sa kasamaang palad ay bawat araw na dumaraan nagiging dugyutin ako. Wala akong alam na mapupuntahan para makaligo ng libre. May kaunting damit pa din naman akong natira. Bumagsak kaagad ang katawan ko dahil sa hindi ako makakain ng maayos. Natuto akong mangalkal sa mga basurahan ng kalakal na maibebenta sa mga junkshop para may makain. Kahit papano hindi pa rin naman ako nawalan ng pag-asa na balang araw ay makakaahon din ako ulit.
Ang ilang linggo ay naging dalawang buwan na. Halos hindi ko na makita ang sarili ko sa ayos ko. Nagmukha na akong taong grasa na nangangalkal sa mga basurahan. Isang araw ay may nadaanan akong isang sumabog na fire hydrant. Dali-dali akong naghugas ng katawan, kahit walang sabon ay mawala man lang ang dumi na kumapit na ata sa balat ko. Kahit marami ang nagdaraan ay hindi na ako nahiya na naka-shorts lang at parang baliw na nagpapasasa sa bumubulwak na tubig. Matapos yun ay naghanap ako ng tagong lugar para makapagpalit ng damit.
Tatlong blocks na ang nilakad ko ay wala pa rin akong madaanang pwedeng napagkublihan at mapagpalitan ng damit. Halos matuyo na ang basa kong suot sa tirik ng araw. May nadaanan akong isang bakanteng lote na may bakod; nakahanap naman ako ng siwang na madadaanan at doon sa loob ako nakapagpalit ng damit. Kahit papano ay umaliwalas ang isipan ko pati na rin ang pakiramdam ko sa katawan.
May konti pa akong pera sa napagbentahan kong kalakal noon nakaraang gabi, kaya bumili na lang ako ng tinapay at bumalik doon sa kantong tinatambayan ko. Tulad ng dati, nilibang ko ang sarili ko sa panonood sa mga dumadaan. Nang magtakip-silim na ay dinalaw ako ng antok, kaya nakatulog ako. Hindi ko alintana ang ingay ng mga dumadaang sasakyan, o kaya ang pag-uusap ng mga tao. Sabi daw ang taong walang dinadala sa isip ay mahimbing kung matulog. Marami akong dinadala sa isipan at maging sa puso, pero kahit papano ay nakakatulog pa din ako ng maayos. Yun nga lang ay kailangan kong mangalkal sa mga basurahan pag gabi para may makain.
Nagising ako sa lamig. Matapos ang mahabang mga araw na wala man lang ulan na pumapatak sa Maynila, nakagisnan ko ang ingay ng buhos ng ulan. Wala akong matingnan ng oras, pero sa tingin ko ay mga nasa alas dyes na ng gabi. Nanlumo ako dahil sa hindi ako makakapaghanap ng kalakal ng gabing yun. Pero umasa pa rin akong titila din ang ulan at makakapagkalkal din ako ng basura mamaya. Nagsimulang mabasa ng tilamsik ng tubig ang hinihigaan ko, kaya wala akong nagawa kundi tumayo. Dahil na rin siguro sa nipis ng katawan ko ay lamig na lamig ako.
May mamang nakatingin sa akin sa di kalayuan. Sumisilong sya sa sulok na yun. Mukhang pauwi na sya galing sa trabaho. Lumapit sya sa akin, at doon ko napansin ang mga kolorete nya sa mukha na nagsusumigaw na bakla sya.
"Hi," parang takot na bati nya sa akin. "Sorry at naistorbo kita sa pakikisilong ko dito."
"Po?", sagot ko naman, "hindi naman po ito sa akin, kaya kahit sino naman pwedeng makisilong dito."
"Ilang linggo na kitang napapansin dito," usisa ng mama, "wala ka bang mauuwian?"
"Wala po, e." Napatungo ako sa kalungkutan.
"Ganun ba?" Lumapit pa sya sa akin. Mukhang napalagay na ang loob nya na hindi ako masamang tao. "Ilang taon ka na ba?"
"Eighteen po," sagot ko naman.
"Asan ang mga magulang mo?"
"Naglayas po ako sa amin. Taga-Bicol po ako."
"Ganun ba?" Natahimik sya pagkatapos noon. Mukhang nag-iisip. "Kung gusto mo, pwede kang tumuloy muna sa akin. Kaso hindi rin naman kagandahan ang tinutuluyan ko. Hanggang sa makakuha ka ng trabaho."
"Po?", nagulat ako sa sinabi nya. Alam kong hindi naman sya nagagwapuhan sa akin o kaya pinagnanasaan man lang ako dahil sa ayos ko. "Hindi po ba kayo natatakot kumupkop sa di nyo naman kilala?"
"Mukhang mabait ka naman, e. At saka napansin kong hindi ka naman nakikisalamuha doon sa mga rugby boys sa kabilang kanto." Tuluyan na syang lumapit sa akin. Sa tingin ko ay nasa kwarenta mahigit na ang edad nya. "Saka naaawa ako sa'yo."
"E, ang totoo nyan mahirap po tanggihan ang alok nyo. Pero delikado po ang ginagawa nyo, kaya sana hindi nyo po gawain ang mamik-ap sa kung saan-saan." Naisip ko pa din na baka kung ano lang ang hanap nito sa akin.
"Hindi 'no?", sagot nya naman. "Hindi ako ganung klaseng bakla. Matagal na nga akong hindi nagbo-boyfriend."
Sinama nya ako sa inuupahan nyang bahay. Maliit lang, pero kahit papano ay maayos at malinis. Pinaligo nya ako, kaso wala akong pamalit dahil sa madumi na rin ang mga damit ko sa bag. Sinalang nya sa washing machine nya ang mga damit ko at pinahiram nya na lang muna ako ng shorts at t-shirt. Inabot ako ng halos isang oras sa paliligo at pagkuskos ng duming kumapit sa katawan ko. Matapos yun ay naghain sya ng pagkain para sa akin. Naghapunan na daw sya kaya ako na lang ang daw ang kakain nun.
"Salamat po," maluha-luha kong sabi sa kanya.
"Tawagin mo na lang akong Tatay Pedro." Ginulo nya ang buhok ko. "Ang gwapo mo naman pala kapag malinis, e."
Natawa na rin lang ako at nagsimulang kumain. Binili nya daw sa kanto yung kanin at lutong ulam, kaya't kahit malamig na ay hindi ko pa rin maiwasang maluha dahil sa iyon ang unang matinong pagkain na natikman ko mula nung nagpalaboy-laboy ako.
"Gusto kong makaanak noon pa," sabi ni Tatay Pedro habang pinanonood ako. "Pero syempre hindi naman pwede yun. Pero hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Hayaan mo na lang na tulungan kita; at kung gusto mo, kapag nakapag-trabaho ka na ulit at kaya mo na, pwede kang umalis dito kahit kelan."
"Ang bait nyo naman po," sabi ko pagkainom ng tubig. "Hayaan nyo po at sisiguraduhin kong hindi kayo magsisisi sa pagkupkop sa akin."
"Sige. Kumain ka lang dyan at tapusin ko yung nilalabhan ko; nang makapagpahinga na rin tayo."
"Ako na lang po ang maglalaba nung damit ko."
"Ako na. Sa washing machine ko naman lalabhan, e. Tapusin mo na lang yang pagkain mo at pagkatapos pwede kang manood ng TV."
Hinugasan ko yung pinagkainan ko at dumiretso sa likuran nung bahay kung saan naroon si Tatay Pedro.
"Tulungan ko na po kayo dyan," sabi ko sa kanya.
"Huwag na, kaya ko na ito." Sagot nya naman. "Kung gusto mo kwentuhan na lang tayo habang tinatapos ko ito."
Nalaman ko na taga-Samar pala si Tatay Pedro. Nagtatrabaho sya bilang manager ng isang malaking beauty parlor kaya medyo malaki na rin naman ang kinikita nya. Day off nya kinabukasan at Linggo, kaya marami daw kaming oras para magkakilanlan. Matagal nya na daw akong gustong lapitan, kaso ngayon lang sya nagkalakas ng loob. Mukha din daw naman kasi akong mabait. Pinagtapat nya din na mahilig sya sa lalake noon, pero dahil sa paulit-ulit na panloloko na naranasan nya ay pinilit nyang inalis ang bisyo na panlalalake.
Naikwento ko din naman sa kanya ang buhay ko, pero hindi yung dati kong ginagawang pagpapachupa sa mga bakla sa bayan namin. Natawa sya nang kinukusot nya ang maikli kong mga bikini brief. Sinabi ko sa kanya kung bakit bikini brief at yung madulas lang ang tela ang sinusuot kong underwear. Ang bag na natira sa akin ay puro brief ko lang ang laman at konting damit. Halos lahat kasi ng damit ko ay nandun sa nanakaw na bag sa akin.
Ala una na nang natapos si Tatay Pedro sa paglalaba. Tinulungan ko na sya sa pagsampay. Matapos nun ay niyaya nya na ako sa kwarto nya.
"Dito ka na sa kama at malaki naman 'to," sabi ni Tatay Pedro. "Tulog na tayo at bukas gugupitan kita." Humaba na kasi ang buhok ko at nagkabigote na rin ng konti.
"Salamat po ulit." Hindi ko ulit mapigilang mapaluha dahil sa pagkatapos ng maraming araw ay makakahiga ako ulit sa isang maayos na higaan, at syempre sa isang maayos na bahay.
"Pahinga ka na," pinahid nya ang luha ko, sabay alok ng unan. "Pwede ba kitang tawaging anak?"
"Sige po, nay," pabirong sabi ko. Nagkatawanan kami.
Dahil na rin siguro sa pagod ay madali siyang nakatulog. Ako naman ang hindi makatulog; hindi dahil sa natulog na ako kanina, kundi dahil sa hindi pa rin ako makapaniwala sa swerteng natamo ko ngayong gabi. Gusto kong yakapin si Tay Pedro sa pasasalamat, pero siguro sa ibang araw na lang yun. Ang mahalaga ay nagkaroon ako ng pangalawang pagkakataon na ipakita sa mga magulang ko na kaya kong mabuhay na wala ang tulong nila.
BABALA: Dumadami po ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa at sa katunayan tumaas ito ng 300% (per DOH) sa nakalipas na dalawang taon. Pinapayo kong maging maingat sa pakikipagtalik sa mga hindi mo lubusang kilala; o kung magagawa naman maghanap na lang ng taong kilala mo na makakatalik ng regular at huwag nang makipagtalik sa iba. Huwag na pong magtangkang gayahin pa ang mga nasa kuwento sa blog na ito upang hindi mapahamak. Sa ngayon po, may dalawang bakla na regular na chumuchupa sa akin at alam kong malinis sila. Panatag din naman sila sa akin dahil sa hindi na ako nagpapachupa sa iba maliban sa kanila. Isa sa mga naging trabaho ko noon ay mag-manage ng isang bar sa bayan namin sa Bicol. Malaki ang bar ay may iba-ibang parte gaya ng videoke, live band bar, at yung may nagdi-dj. Pag-aari yun ng pamilya ng kaklase ko nung high school. Operations Manager ako doon. Kasama sa trabaho ko ang pakikihalubilo sa mga customer namin. Dahil sa nag-iisa lang ang bar namin na may multiple venues, malak...