Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2025

Si Mang Jose (Not A Sex Story)

Wala na akong matanaw na pag-asa sa buhay. Nagunaw na lahat nung iniwan niya ako bitbit ang anak namin. Tapos sinundan pa ng pagkamatay ng nanay ko dahil sa sama ng loob sa sinapit ko, kaya pati tatay ko at mga kapatid ay parang ako sa sinisisi sa lahat. Pinangaralan na kasi ako ng nanay ko tungkol sa pamilya nila bago pa man kami nagsama ni Zia, pero hindi ako nakinig at pinagpatuloy ko pa din ang relasyon namin hanggang sa mabuntis ko siya. Tama nga ang sinabi ng nanay ko na gagawin lahat ng pamilya ni Zia para mapaghiwalay kami. Nagtagumpay sila, at nadamay pa ang nanay ko. Ilang buwan akong napariwara sa buhay at parang nawala sa katinuan. Napauwi ako ng kuya ko sa amin, pero matapos nun ay gabi-gabi akong nasa beerhouse at umiinom na mag-isa. Hindi ko talaga malunod sa alak ang sakit na nararamdaman ko, kaya siguro mas mabuting mamatay na lang ako. Umorder ako ng tatlong boteng alak sa bar at binitbit ito sa kotse. Nag-drive ko nang lasing patungo sa may dalampasigan sa likod ng m...