Kinailangan kong umuwi ng Bicol para sa isang pagtitipon ng aming mga kamaganakan. Ako ang nagmana ng pamamahala ng malaking lupain na nasa pangalan ng lolo ko sa tuhod sa mother side ko. Nanay ko kasi ang dating tagapamahala at nang mamatay siya ay ako ang nagmana ng katungkulan.
Biglaan ang uwi ko kaya't ni hindi ako nakapagpaalam sa trabaho at nag-bus lang ako at puno na ang mga flight papunta sa isla namin sa susunod na ilang linggo. Ilang araw lang ang inaasahan kong ilalagi sa probinsya kaya't isang backpack lang na damit ang dala dala ko at may belt bag din akong maliit para sa mga importanteng gamit gaya ng cellphone at wallet. Ordinary bus lang ang sinakyan ko para makatipid at nung nasa ferry na ay iniwan ko na lang yung backpack sa bus.
"Kumusta yung biyahe mo, kuya?", tanong ng pamangkin ko sa pinsan na sumundo sa akin sa pier.
"Medyo malakas yung mga alon," sagot ko naman habang hinahatid niya ako papunta sa bahay namin. "Kaya, ayun, halos natulog lang ako buong apat na oras sa ferry."
Malapit lang sa bahay namin sa probinsya ang pier kaya motor lang ang pinangsundo sa akin. Ang bahay kasi namin na sa mga magulang ko ay naipamana sa akin kaya walang nakatira. Ang mga kapatid ko ay nasa ibang lugar at may kanya-kanya ding sariling bahay. Ang pinsan ko na tatay nitong sumundo sa akin ang pinakiusapan kong tumingin-tingin sa bahay at siya ring pinapadalhan ko ng pangbayad sa kuryente at tubig. Itong anak niya na si Henry na siyang sumundo sa akin ang binabayaran ko naman buwan-buwan ng konting halaga para maglinis sa bahay at magmintina nito. Pinapatira ko na sana siya sa bahay, pero ayaw niya at malapit lang naman daw ang bahay nila sa amin, na tatlong bahay nga lang naman ang pagitan mula sa amin.
"Sige, kuya," sambit ni Henry nung bumaba ako sa motor niya sa tapat ng gate namin, "tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka."
"Okay," inabutan ko siya ng five hundred pero tumanggi siya. "Salamat sa pag-aalaga mo sa bahay."
"Bakit ka naman magpapasalamat, e, sinusuwelduhan mo ako?" Natatawang sagot ni Henry. Nasa pitong taon lang ang tanda ko kay Henry kaya sabi niya noon ayaw niya akong tawaging tito.
"Syempre," sagot ko naman, "kasi kahit may pamilya at may trabaho ka na tinatanggap mo pa rin itong pagmintina sa bahay namin kahit maliit lang ang binibigay ko sa'yo."
"E, syempre," sagot ulit ni Henry, "malakas ka sa akin, e. Hahahaha. Tsaka konti lang namang trabaho yun so sayang naman kung ipapasa ko pa sa iba."
"Kaya nga salamat sa lahat."
"Teka lang, kuya," sabat ni Henry. "Mukhang may laslas yang backpack mo."
"Pucha!", gulat ko nung nakita ko ang tinuturo ni Henry. Yung bulsa ng backpack yung tinira. Malamang sa ferry iyon nangyari nung iniwan ko ang backpack ko sa bus.
"Mukhang inubos yung laman ng bulsa na 'yan, kuya."
"Hayaan mo na," sagot ko. "Akala niya nakajackpot siya, e, mga brief ko lang naman ang nilagay ko diyan". Nagtawanan kaming dalawa.
Umalis na siya at pumasok na ako sa bahay gamit ang susing ibinalik sa akin ni Henry kanina. Sobrang maalaga ang pamilya ni Henry sa bahay na ito at aakalain mong meron pa ring nakatira dito dahil sa wala kang makikitang alikabok o agiw kahit saang sulok ng bahay. Well-maintained din ang mga halaman sa maliit na garden noon ng nanay ko. Kahit yung nga appliances tulad ng TV, aircon, at ref ay gumagana nang maayos.
Pagod ako sa biyahe kaya diretso ako sa kuwarto ko para matulog muna sana. Tanghaling tapat na kasi noon at kumain na rin naman ako nung nasa ferry. Pero naalala ko na wala akong pamalit na brief mamaya at nalaslas nga ang bulsa ng backpack ko kung saan ko nilagay ang apat na brief ko. Naisipan kong pumunta na lang sa palengke para bumili ng mumurahing brief na maisusuot ko pagligo ko mamaya.
Magkikita kasi kami ng ilang kamag-anak ko mamayang gabi sa isang resto sa bayan namin para ibigay nila sa akin ang aming tatalakayin sa pormal na pagpupulong ng angkan ng mother side ko kinabukasan tungkol sa lupang pinamamahalaan ko. Ang schedule kasi namin ng pagpupulong dito ay tuwing ikalimang taon lang, pero may mga development daw kaya kailangan naming magpulong ulit kahit kapupulong lang namin mahigit isang taon pa lang ang nakakalipas.
Nalibot ko ang pamilihang bayan namin pero wala akong makitang brief na madulas at manipis ang tela. Allergic kasi ako sa sarili kong pawis kaya ang underwear lang na nasusuot ko ay kailangang manipis at madulas ang tela. Naisipan kong pumunta na lang sa department store na isang block lang naman ang layo mula sa palengke. Ang department store kasi na ito ay nagtitinda ng mga damit na galing sa Divisoria at Taytay, kaya nagbakasakali akong meron silang brief na yari sa telang hinahanap ko. Ngunit bigo din akong makahanap dun.
May naalala akong maliit na botique store na malapit din sa palengke namin na nagtitinda ng mga produkto ng sarili din nilang tahian. Pero iniisip ko na halos pambabae lang naman ang mga damit na binebenta nila. Kahit mga swimsuit at panty ay sarili nilang gawa. Medyo may kamahalan nga lang ang mga tinitinda nila. Pero ilang building lang din naman ang layo nun mula sa department store kaya pinuntahan ko na rin.
"Hi, sir," bati nung isa sa mga saleslady sa botique nung pumasok ako; "ano po'ng hanap nila?"
"Alam ko halos pambabae ang mga tinda ninyo," tanong ko na lang para hindi na ako magsayang ng oras tumingin ng mga display nila, "pero meron po ba kayong brief na tinda? Galing po kasi ako ng Manila at nakalimutan kong magdala ng underwear."
"Meron po," sagot ng saleslady, "pero yung parang pang swimming po ang meron kami.*
"A, okay," natuwa ako sa narinig ko, "okay lang yun para meron akong masuot sa ilang araw ko dito."
"Eto lang po stock namin," inaya ako nung saleslady sa may likod na ng kanilang mga istante. Merong siguro nasa sampung brief ang nandun.
Maganda ang pagkakagawa nung mga brief na nakabalot individually sa plastic, pero pare-pareho lang ang cut. Bikini cut sila pero iba-iba ang design. Okay naman at madulas yung tela pero medyo makapal. Satin ata yung tela kaya medyo mas makapal sa nylon, silk, polyester, at microfiber na nakasanayan ko na sa mga brief ko.
"Para naman ako nitong macho dancer," biro ko sa saleslady. "Pero mukhang mahal ito at ang pulido ng pagkakatahi.*
"Oo po, sir," sagot nung saleslady, "pero mukhang bagay naman po sainyo at okay naman po ang katawan ninyo. Tsaka sabi po ninyo ilang araw lang naman kayo dito sa bayan namin."
"Tagarito din po ako kaya bayan ko rin ito," sagot ko sa kanya sa local dialect namin, "pero sa QC na kasi kami nakatira ng pamilya ko."
"Mukha po kayong artista," panggogoyo nung saleslady, "kaya po akala ko hindi kayo tagarito."
"Weh," biro ko sa kanya, "gusto mo lang akong bumili. Sige, at bibili naman talaga ako. Magkano ba ang isa?"
"Hindi, sir," tawa nung saleslady sa tinuran ko, "may kakaibang appeal po kayo na wala sa mga lalaki dito sa atin. One hundred na lang po ang isa niyan."
"Eto na nga, bibili na ako. Huwag ka nang mambola. Pero bakit ang mura yata? Di ba taylor shop ninyo rin sa likod ang gumagawa ng mga tinda ninyo?"
"Opo," sagot ng saleslady. "Ilang taon na kasing hindi yan nabebenta kaya binabaan na lang namin ang presyo. Try lang kasi yan nung isa sa mga dating mananahi namin, kaya nasa bente lang atang piraso ang ginawa niya at nabenta na yung kalahati."
"I see. So sampu na lang 'yang natitira? Kunin ko na lahat at mura lang pala.
"Damit po, sir, para sa girlfriend o misis mo?" Sales pitch nung saleslady habang nilalagay sa paper bag ang mga brief.
"Huwag na at backpack lang ang dala kong lalagyan ng damit pauwi dito," sagot ko habang iginigiya niya ako papunta sa cashier.
Binigay ng saleslady ang paper bag sa cashier na napatitig sa akin.
"Kuya," bati ng cashier sa akin, "ikaw po si kuya Marco, di ba?"
"Opo," sagot ko naman. "Anak ka ba ng may-ari nito?"
"Opo, kuya," lumabas yung cashier sa puwesto niya at yumakap sa akin. "Ako po so Jessielyn. Tinutor mo ako noong nasa elementary pa ako." Noong bumalik kasi ako mula sa paglalayas noong bata pa ako, bukod sa pagbalik sa college ay kumuha din ako ng mga tutorial jobs.
"Oo, Jessielyn," sagot ko sa kanya, "siyempre naman naaalala kita at ang kuya mo. Hindi pa naman ako ganun katanda."
"Kuya Marco naman," mahinang palo niya sa akin, "hindi ka pa rin nagbabago- palabiro ka pa rin."
Bakla ang kuya ni Jessielyn. Me nangyari din sa amin habang tinututoran ko silang magkapatid noon. Ikukuwento ko yun minsan dito sa blog.
"Ilang taon na ngang nawala ang kuya James mo?" Ang pangalan kasi ng kuya niya ay Jessie James. Jessie ang pangalan ng daddy nila kaya silang magkapatid ay may Jessie sa pangalan. "Wala pa ba kayong balita sa kanya?"
"Limang taon na, kuya," sagot ni Jessielyn, "mag-aanim na." Kahit sa QC na kasi kami nakatira, me balita pa rin naman kami sa mga nangyayari sa isla lalo na sa baranggay namin dahil sa serbisyo ng Facebook Groups. Si James kasi na kuya nitong si Jessielyn ay napasama sa mga aktibista simula noong nasa college sila, at nung wala pang isang taon matapos maging presidente si Duterte ay may mga dumukot sa kanya at hindi na muling nakita.
"Anyway, huwag na nating pag-usapan muna 'yan at nakakalungkot," tangka kong pag-iba ng usapan. "Bayaran ko na yang binili ko at gusto kong magpahinga na muna at pagod ako sa biyahe."
"Huwag mo nang bayaran, kuya Marco," sagot ni Jessielyn. "Malaki po ang parte mo sa buhay naming magkapatid at feeling ko kami ang may utang sa'yo." Binigay ni Jessielyn ang paper bag sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kaya din po gusto kong ibigay na lang sa'yo ang mga 'yan kasi si kuya James ang nagdesign at tumahi ng mga 'yan. Alam mo naman siguro kuya na crush na crush ka nun, at alam kong ikaw ang inspirasyon niya sa paggawa ng mga brief na 'yan."